
by:  http://lencabas.blogspot.com/
Tawagin mo na'kong corny, pero nung  napanood
ko yung pelikula  nina
Regine at Richard, eto  lang
ang nasabi ko: "WISH KO  LANG".
Sabi sa pelikula, ang taong para talaga  sa'yo
(yung ryt one ika nga)  ay
para raw TSINELAS. Di naman  sinasabing
mukhang goma o balat ang  hanapin
mo. Ganito kasi  yan.
Maraming uri ng sapatos ang nagkalat  sa
paligid - may school  shoes,
rubber shoes, boots, stilettos, sandals at  kung
anu-ano pa. Iba't  ibang
style, iba-ibang dekorasyon. At syempre,  iba-iba
din ang presyo.  May
mura, may mahal. Ikaw, pag pumasok ka  sa
opisina, di ba isinusuot mo  ang
mamahalin mong black leather shoes (kung  lalaki
ka) o yung  high-heeled
sandals mo (kung babae ka)? Yun ang  isinusuot
mo dahil yun ang gusto  mong
ipambalandra at ipakita sa iba buong  araw.
Pero at the end o f the day, kapag pagod ka na  sa
maghapong trabaho.habang nasa biyahe ka na pauwi  ng
bahay.ano ba'ng tatlong bagay  ang
ini-imagine mo'ng gawin?   1.)  Magpahinga 2.)
Kumain ng hapunan at 3.)  Magbihis
ng damit-pambahay at magsuot ng  tsinelas.
Tama,  tsinelas!  
 
Naisuot at  naipagyabang mo na ang lahat ng
magaganda at mamahalin  mong
sapatos. At maaaring marami ka na  ring
napahanga dahil dito. Pero  sa
bandang huli, kapag hindi mo na  kailangang
magbihis ng  maganda,
mag-pretend ng kahit na ano, nasa bahay na  lang,
walang make-up at ikaw ay  ikaw
na lang talaga, di ba't ang simpleng tsinelas  pa
rin  ang
hahanap-hanapin mo? At wala ka nang  pakialam
kung may tatak man ito, mamahalin o  may
kung anu-anong burloloy.basta ang alam  mo,
tsinelas ang gusto  mo.
Sa buhay mo, marami kang makikilalang  babae
at lalake. Maganda,  Gwapo,
Sexy (pang-FHM), Mayaman, Malakas ang  dating,
Hanep ang porma,  lahat
na. Pero sa bandang huli, pareho nating alam  na
hindi yun  ang
pinakamahalagang ingredient ng tunay  na
pagmamahal. Kumportable ka ba sa  taong
'to? Does he/she make you feel good  about
yourself? May kakaiba  bang
'warmth' na ibinibigay ang taong 'to, na  parang
nagsasabi sa'yong  'you're
home and safe at last'? Does this person  make
you happy? Tinatanggap  ka
ba niya kahit 'pambahay' na lang ang hitsura  mo?
Siya ba ang tipo  ng
taong alam mong makikinig kapag nire-report  at
ikinukwento mo na ang  mga
nangyari sa'yo buong araw? Think about  it.
I'd be a lying asshole kapag sinabi  kong
aesthetics do not count.  Pero
ang puso, tumitibok yan sa mga di  inaasahang
pagkakataon. And  sometimes
you wonder about it, and most of the time,  you
even deny it. But  deep
down, you just know, and feel, that it's  right.
Ito ay para sa mga  taong nakahanap na, at
naghahanap pa rin ng  tsinelas
nila. Congratulations at Good Luck!  Nawa'y
nakatulong ang  obserbasyon
kong ito, salamat sa pagbabasa. Happy  hunting!
 
 
" People may be unkind, just be kind. They may CHEAT just be HONEST. They may forget your good deeds, just do GOOD. In the end, its between YOU and GOD, NOT YOU AND THEM. God Bless.